Buhay Freshie

Sinipag ako magpost ngayon, yehey! Inspired kasiiiiii. Ehem AlDub Ehem. Hahahaha. Atsaka hindi ko pa siya masulat sa journal ko so, pfft. Bukod pa roon, emegerd. Ang gulo ng blog kooooo! Hahaha. Hindi ko pa siya maayos ;-; Oh well, maybe next time.

August 1: Check-in sa BREHA. Tapos dedma lang ako, hahaha. Kunwari isnaber, mwahahaha. Naglagay narin ng gamit and then hello ate upper!

August 2: Ahuhu, this is it. Goodbye home for now. Kasama ko pa nun sina Ate Diane and fam. Tapos nakilala ko na rin yung 4/5 ng dormies ko. At first day palang namin, nagingay na ako. Way to go, Loruella!

August 3: Freshie Orye. Hindi pa feel, nagaadjust pa talaga. Hahaha. At emegesh! Ang aktibista feels ng mga upper class, nangingibabaw!

August 4: First Day of Classes. Keri naman. Well except sa mga courses na nagklase agad ;-; Ehem SocSci I.

August 5: Umagang umaga Math! Jusme. Pero kinaya naman. Hahaha. Wala atang pasok nito sa SC 10? May pinagawa lang na index card. And! I thought yung funny na sir ang teacher namin, girl paley.

August 6: Regular class. Hanggang 4:30 ako! Nakakastress!

August 7: As usual, Math na almusal. But! Pagdating ng SC 10.. Woah! Hindi ko kinaya ang girl na prof ko. Hawig niya si Anna Kendrick. Tapos pagpasok na pagpasok niya, “*nagmura* nakakastress sila. Ang sakit sa batok.”

Syempre nawindang ako diba, very unusual. Tapos tinanong niya kung sino yung from exclusive catholic schools, may iilang nagtaas at hindi ako kasama doon. Hahaha. Catholic school lang ako, wala yung exclusive. Hahahaha. Sabi niya, “Hindi ba kayo sanay? Sorry pero mas madalas niyo kong marinig na magsabi ng gantong salita….. I was from a (basta religious school haha) syempre banal diba…. Pero pagkadating ng highschool, *nagmura* *beep* *beeeeep* mo!” Nagtawanan kami.

(….. – may sinabi pa pero tinamad na ko magtype hahaha)

Tapos ito talaga yung da best, hahahaha.

“Ganito talaga ako. I’m a bitch. Kasing itim ng budhi ko ang black dress na suot ko. Pero pagdating naman sa grades, may natitira pang kaunting kabutihan sa kaibuturan ng puso ko….”

And so, my first week ended. (Hahaha)

Napakamemorable nung mga susunod na halos hindi ko na maalala. Hahahah. Basta, days feel like forever. Hahaha. Yung soooooobrang bagal ng oras. Pero as the days pass by naman, medyo bumibilis na. Siguro nandun parin kami sa adjusting stage. So far, enjoy naman ako. Hahahaha. At nastress.

P.S. Nakakamiss maging updated sa lipunan! Pero mas nakakamiss magkaroon ng matinong WiFi Connection at malakas na signal!

(Cool nito, hahaha)
Iskolar ng bayan
Tuloy-tuloy ang laban

Tuloy-tuloy ang laban
Iskolar ng bayan

Leave a comment